Home HOME BANNER STORY DOLE nag-isyu ng cease and desist order sa BPO sa Cebu sa...

DOLE nag-isyu ng cease and desist order sa BPO sa Cebu sa palyadong disaster response

328
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng cease and desist order ang Department of Labor and Employment (Dole) nitong Linggo, Oktubre 5 sa isang business process outsourcing (BPO) company sa Cebu dahil sa kakulangan nito ng disaster response plans sa panahon ng kalamidad.

Ayon sa DOLE, ang naturang BPO “had no emergency and disaster preparedness and response plan in its occupational safety and health (OSH) program.”

Hinimok din ng ahensya ng pamahalaan ang kompanya na gumamit ng flexible working arrangements.

Noong Oktubre 2, naghain ng reklamo ang mga representative ng BPO Industry Employees Network (BIEN) laban sa 30 BPO companies sa umano’y paglabag sa labor at occupational safety laws nang yumanig ang lindol sa Cebu noong Setyembre 30.

Ayon sa BIEN-Cebu, napaulat na ang mga empleyado ay pwersahang pinabalik sa kani-kanilang mga opisina matapos ang magnitude 6.9 na lindol.

May harang din aniya ang mga emergency exits sa ilang opisina sa Cebu.

Dagdag pa, may ilang empleyado ang inalok ng double pay para magpatuloy sa trabaho matapos ang lindol at ang iba naman ay agad na inatasang magbalik-trabaho kahit katatapos pa lamang ng lindol.

Nagkaroon din aniya ng mga sumbong ng verbal threats at pagbalewala sa kaligtasan at kapakanan ng mga empleyado, at ang mga umuwi matapos ang lindol ay itinuring pang absent, unpaid o suspendido sa trabaho.

Pagpapatuloy, mayroon din anila na ilang empleyadong pwersahang pinapirma ng mga memo at nangangakong hindi ito magsasalita sa social media tungkol sa kanilang sitwasyon.

Sa reklamo ng BIEN-Cebu, hiniling nila sa DOLE na imbestigahan ang mga alegasyon at panagutin ang mga kompanyang lumabag sa Occupational Safety and Health Standards law. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here