Home NATIONWIDE Paghahain ng kaso sa mga sangkot sa korapsyon, pinatitiyak ni PBBM na...

Paghahain ng kaso sa mga sangkot sa korapsyon, pinatitiyak ni PBBM na may sapat na ebidensya

353
0

MANILA, Philippines – KAILANGAN lamang na tiyakin ng gobyerno na ang kaso laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa korapsyon ay dapat na ‘airtight’ at suportado ng solidong ebidensiya upang mapanagot ang mga “guilty ones”.

Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos jr., sa isang teaser ng kanyang susunod na podcast na-inupload, araw ng Linggo sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa iregularidad sa flood control at infrastructure projects.

“We know many of these people are not innocent. But if you’re going to bring them to court, you must have a strong case,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam ngManila Bulletin’s “The Sit Down” na hinost ni Philip CuUnjieng, kababata ng Pangulo.

Nagbabala ang Pangulo laban sa mga paghahain ng mga mahihinang kaso na salat sa malinaw na ebidensiya para ipagsakdal ang corrupt government officials dahil mauuwi lamang ito sa aniya’y “much, much worse” outcome.

“Look, ano’ng mangyayari – minadali natin, hindi kumpleto ang ebidensiya natin, malabo ang ebidensiya natin, pero pinilit natin, natalo ang kaso. Can you imagine? I think that will be much, much, much worse,” diing pahayag ng Pangulo.

Nananatili aniya ang posisyon ng pamahalaan na sa paghabol sa mga kurakot na opisyal ng pamahalaan at mga personalidad, dapat lamang na sundin ang batas na panagutin ang mga ito sa kanilang naging aksyon.

“We have to follow the law. Otherwise, whatever we do is not legitimate. And we have to be very, very clear that we go after the guilty ones,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, inihayag ng Pangulo ang lahat ng ito sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng ICI hinggil sa mga anomalya na nag-uugnay sa flood control projects at iba pang infrastructure projects noong nakaraang dekada. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here