Manila, Philippines – Isa nang ganap na negosyante si Mark Herras.
Bale ang negosyong pinasok ang nagsalba sa aktor sa pinagdadaanang hirap sa buhay, given his status now na may asawa’t dalawang anak na.
Kinuha kasing brand ambassador si Mark ng Farmer’s Premium Meat Shop nang minsang mag-show sa Pangasinan.
Ang nasabing meat shop ay may poultry doon at dalawang sangay.
Kumuha si Mark ng franchise, na ang branch ay nasa UN Ave., Malate, Manila.
Partikular na itinitinda niya’y beef, pork at chicken with matching siomai pa.
This is Mark’s first ever business venture na aniya’y inaaral pa niya ang pasikut-sikot.
But the good news is that–goodbye na sa kakaba-kabang pamumuhay lalo’t wala siyang regular showbiz job.
Natuto na raw ang semi-active actor mula sa mga leksyon ng buhay–having gone through life’s lowest point.
Pag-amin ni Mark: “Sumasama kasi ang loob ko pag nangungutang ako ng pera sa kaibigan at kahit hindi kaibigan, matustusan ko lang ang mga pangangallangan ng pamilya ko.”
Ngayon daw ay hindi na kakabug-kabog ang kanyang dibdib kung paanong dumiskarte to address his economic woes.