Manila, Philippines – Viral ang isang TikTok video na kumalat kung saan sumalang sa dyodyowain o trotropahin challenge si Shuvee Etrata habang kumakain.
Ani Shuvee, inasawa na raw niya dati si Donny Pangilinan pero naghiwalay sila.
Na-annul daw sila pero dyinowa raw niya ito uli.
Si Daniel Padilla raw naman ay bet niyang asawahin.
Gusto raw naman niyang maging kabit ni Richard Gutierrez kahit pa may asawa na ito.
Di raw niya bet sina Dingdong Dantes at Xian Lim kaya bet lang niyang tropahin ang mga ito.
Di rin daw niya type si John Lloyd Cruz dahil ang dami nitong issues.
Kakaibiganin daw niya si James Reid dahil faney siya ni Nadine Lustre at bet niyang uriratin ito kung bakit sila naghiwalay ng idol niya.
Tropa rin ang sagot niya kay Vhong Navarro dahil di raw niya bet ang mga dancer.
Trotropahin din daw niya si Enrique Gil dahil di niya type ang mga mestiso.
Pagdating naman kay Vice Ganda, isang tumataginting na “Eww” ang kanyang naisagot.
Dahil sa lumang clip na ito, nagtatanong tuloy ang kibitzers kung ano raw kaya ang magiging reaksyon ni Vice Ganda sa nasabing clip. Archie Liao