Mamila, Philippines – Ngayon pa lang ay hindi na makapaghintay ang mga fans sa tiyak nang pagsasama nina Regine Velasquez, Jaya at Lani Misalucha sa isang concert sa 2026.
Hopefully at a Valentine’s concert, tiniyak ng Queen of Soul (Jaya) at Asia’s Nightingale (Lani) na ka-join ang Asia’s Songbird sa aabangang concert.
“Duet” pa ngang pinroklama nina Jaya at Lani na: “Itaga n’yo sa batobalani ‘yan!”
Nang makarating nga ito kay Regine, ang tangi lang nitong nasabi ay: “It’s time!”
Ang maganda kasi sa kanilang tatlo, iba-iba sila ng estilo but they’re able to meet somewhere.
Hindi lingid sa publiko na very close sina Regine at Jaya sa isa’t isa lalo na noong panahong naka-base pa sa bansa ang huli.
Ikinatampo nga ni Regine ang pag-alis ni Jaya opting to stay with her family in the US.
This early nga’y may lumabas nang fan-made meme kung saan makikita sina Regine, Jaya and Lani in an actual performance.
Clad in white gowns, may heading itong “The Country’s Vocal Trinity.”
Abangan na lang ang anunsyo as to the date and venue of the still-untitled concert ng tatlong mahuhusay na mang-aawit ng bansa.
For sure, jampacked ang concert nilang ‘yon! Ronnie Carrasco III