Home NATIONWIDE Labi ng tauhan ng PCG na nasawi sa lindol sa Cebu, dumating...

Labi ng tauhan ng PCG na nasawi sa lindol sa Cebu, dumating na sa Iloilo

357
0

MANILA, Philippines – Dumating na sa Iloilo ang labi ng isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na kabilang sa mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol sa northern Cebu.

Dumating sa Iloilo Port alas-9 ng umaga nitong Oktubre 3 ang barko dala ang katawan ni Seaman Second Class Lawrence Palomo.

Bukod kay Palomo, dalawa pang apprentice seamen ng PCG ang kabilang sa mga nasawi matapos na gumuho ang sports complex ng San Remigio, Cebu matapos ang malakas na lindol.

Pauwi na sana si Palomo para magbakasyon sa pamilya nito sa Barangay Gemat-y, Passi City.

Si Palomo, 29-anyos ang bunso sa dalawang magkapatid. Naulila niya ang walong buwang sanggol at live-in partner nito.

“Plano niya sanang (umuwi). Nagpabili pa nga siya ng baboy andoon sa bahay ang biik kasi magpapabinyag sila sana sa Disyembre. Kung buhay lang sana siya, mas mabuti. Mabait syang anak,” ayon sa ama ni Lawrence na si Roque Palomo.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG-Iloilo sa pamilya ni Palomo.

“Basta nasa operation ang mga personnel, expected talaga na palaging may risk at may posibleng mangyari sa responder. During that time, nasa gym sila ng San Remigio,” pahayag ni PCG Iloilo Station Commander Richard Gura.

Si Palomo ay miyembro ng Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC) Class 85-2021 “Bagsik-Laya,” at nasa apat na taon na sa serbisyo.

Siya ay huling naitalaga sa Maritime Safety Services Unit Central Visayas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here