Nasa 61 kilo ng pinatuyong marijuana leaves na nagkakahalaga ng P7,380,000 ang narekober sa dalawang suspek sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy Agbannawag, Tabuk City, Kalinga noong Oktubre 3. DANNY QUERUBIN
MANILA, Philippines – Nasa 61 kilo ng pinatuyong marijuana leaves na nagkakahalaga ng P7,380,000 ang narekober sa dalawang suspek sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy Agbannawag, Tabuk City, Kalinga noong Oktubre 3.
Nasa 59 na bricks ng dried marijuana leaves, limang (5) vacuum-sealed plastic bags ng dried marijuana fruiting tops, at isang motorsiklo na ginagamit ng mga suspek sa paghahatid ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera (PDEA-CAR) Mountain Province Provincial Office kasama ang Apayao at Kalinga Provincial Offices at lokal na pulisya.
Ayon kay Regional Director Derrick Arnold C. Carreon, isa sa mga suspek ay tinukoy bilang isang lalaki na mula sa Brgy. Agbannawag, habang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at follow-up operation upang matunton ang mga suspek.
Sa kabila na nagtatago pa rin ang mga suspek, nahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC