Home NATIONWIDE Kapakanan, karapatan ng mga intern isinusulong ni Diokno

Kapakanan, karapatan ng mga intern isinusulong ni Diokno

318
0

MANILA, Philippines — Naghain si Akbayan Party-list Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno ng panukalang batas na layong magtakda ng pambansang balangkas para sa karapatan ng mga intern, kabilang ang pagbibigay ng non-taxable stipend sa mga mag-aaral na nagsasagawa ng internship.

Sa ilalim ng House Bill 5081 o ang proposed Interns’ Rights and Welfare Act, nakasaad na ang mga intern sa mga ahensya ng gobyerno, government-owned and -controlled corporations (GOCCs), at mga lokal na pamahalaan (LGUs) ay dapat tumanggap ng stipend na katumbas ng 75% ng Salary Grade 1 sa kasalukuyang salary standardization law.

Ang nasabing stipend ay hindi papatawan ng buwis at ibabatay sa aktwal na oras ng trabaho at attendance, alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission.

Samantala, ang mga intern sa pribadong sektor ay tatanggap din ng allowance na katumbas ng 75% ng umiiral na minimum wage, prorated din batay sa oras ng trabaho.

“While formal employees are protected under the Labor Code, student-interns in both public and private sectors often fall into a regulatory gap,” ayon sa paliwanag ng panukalang batas.

Bukod sa kompensasyon, itinatakda rin ng panukala ang pagkakaroon ng makataong kondisyon sa trabaho tulad ng makatwirang oras ng trabaho, personal at medical leave, access sa health services, at accident insurance.

Nakasaad din ang karapatan ng mga intern na gumamit ng mga pasilidad sa lugar ng trabaho at proteksyon laban sa diskriminasyon, pang-aabuso, at sexual harassment, pati na rin ang due process bago tanggalin o parusahan sa internship.

Kapag naisabatas, obligadong pumasok sa memorandum of agreement (MOA) ang paaralan at employer, na magtatakda ng mga tungkulin ng bawat panig at isang internship plan na may malinaw na timeline at performance indicators.

Ang mga kwalipikadong aplikante ay dapat hindi bababa sa 18 taong gulang, kasalukuyang naka-enroll sa isang tertiary-level internship subject, at may internship na hindi lalampas sa 300 oras o anim na buwan.

Sa oras na mapatunayang lumabag, maaaring maharap ang mga paaralan o employer sa administratibo o kriminal na kaso, ayon sa panukala. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here