Home NATIONWIDE P7-K cash assistance sa 1M magsasaka nakapaloob sa 2026 budget – Speaker...

P7-K cash assistance sa 1M magsasaka nakapaloob sa 2026 budget – Speaker Dy

414
0

MANILA, Philippines – Bilang tulong sa pagkalugi ng mga magsasaka sa pagbaba ng presyo ng palay, nasa 1 million rice farmers ang makakatanggap ng P7,000 bawat isa bilang cash assistance sa ilalim ng 2026 national budget, ayon kay House Speaker Faustino Dy. 

Sa joint hearing ng House Committee on Agriculture and Food at Committee on Ways and Means sinabi ni Dy na ang cash assistance ay patunay ng patuloy ng pagsuporta ni Pangulong Bongbong Marcos sa agriculture sector.

“Ang pamamahagi ng cash aid ay nagpapakita ng determinasyon ni Pangulong Marcos na tugunan agad ang hirap ng mga magsasaka” ani Dy.

Sinabi pa nito na ipinapakiusap din nito kay Pangulong Marcos na ang lahat ng subsidiya mula sa Department of Agriculture, tulad ng seed subsidy, ay ibigay na rin ng cash upang mas madali at mas direkta itong mapakinabangan.

Ani Dy, sa Isabela ay maraming magsasaka ang ibinebenta ang kanilang palay sa P8 kada kilo, malayo sa P16 hanggang P18 na presyo para makabawi sa production costs.

“Kapag palugi ang benta ng palay, hindi lang kabuhayan ng magsasaka ang nanganganib kundi pati ang seguridad sa pagkain ng buong bansa” dagdag nito.

Isinusulong ni Dy na maipasa na ang Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act, isa sa priority measure sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sa ilalim ng Rice Act ay ibabalik ang kapangyarihan ng NFA na bilhin ang ani na palay ng mga magsasaka at itakda ang presyo sa P25-per-kilo floor price,.

“Kailangang magkaisa tayo para sa ating mga magsasaka. Sa agarang suporta at pangmatagalang reporma, titiyakin nating may kinabukasan ang kanilang kabuhayan at may murang bigas ang bawat pamilyang Pilipino” pagtatapos pa ni Dy. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here