Home ENTERTAINMENT Regine, nagpahayag ng galit sa mga magnanakaw!

Regine, nagpahayag ng galit sa mga magnanakaw!

321
0

Manila, Philippines – Tumalak si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang post sa Instagram tungkol sa mga nagnakaw ng pera ng bayan.

Ramdam na ramdam ang galit ng misis ni Ogie Alcasid at tinawag na makakapal ang mukha ng mga tiwalang kawani sa gobyerno at politiko.

Ipinost ni Regine ang isang video mula sa TikTok na nagpapakita ng isang maunlad at makabagong Pilipinas.

Caption ni Regine, “Kung hindi ninanakaw pera natin, KAYA to eh!!!!! The thing is hindi sila marunong mahiya kahit sabihan silang magnanakaw makapal ang mukha at isinusuka na natin sila waley pa rin, magtuturo lang sila ng iba pang magnanakaw hangang maubos na lang nila yung ninakaw nila tapos nakaw uli.

“In the meantime we continue to pay taxes na pinagpaguran natin. Ano pa pwede nila lagyan ng tax ano pa!!!!!Baka paggising natin isang araw pati hangin may tax na!!!!!!

“Ano ba gagawin natin bakit parang I feel helpless naghihintay tayo na may maparusahan na most likely wala.

“Ano ba gagawin natin para maituwind ang baluktot na pamamalakad na ito??

“At kahit iba ang ilagay natin dyan I don’t think it will change!!! I’m 55 konting panahon na lang ang ilalagi namin sa mundo sana man lang maabutan namin ang isang maluwaltahing pamumuhay para sa mga Pilipino.”

Kinampihan si Regine ng netizens sa mga pahayag niya sa kanyang IG post.

Narito ang pahayag ng ilang netizens.

“Mabuhay Ka Ms. Regine! Our National Treasure in Music Thank you For Voicing Out!”

“Powerful voice indeed”

“Ate I feel you. Gusto ko din sila batuhin ng kamatis”

Yun, oh. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here