MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (Dole) nitong Lunes, Oktubre 6 na ang pinaka-karaniwang labor violation sa mga kompanya sa bansa ay ang kakulangan ng mga tauhan ng first aid, dahil itinuturing ng ilang negosyo ang panukalang pangkaligtasan na karagdagang hindi kinakailangang gastos.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, karamihan sa mga ito ay nakikita sa micro-establishments.
Binanggit ni Laguesma na kabilang sa karaniwang paglabag ang “nonprovision of safety officers or safety training, nonformulation of company occupational safety and health program, nonregistration of establishment, and noncompliance with fire safety inspection by the Bureau of Fire Protection.”
Base sa rekord ng Department of Health higit 27,600 occupational injuries ang naitala sa buong bansa noong 2021, kung saan halos 40 percent ang open wounds, habang ang iba ay superficial injuries at sprains.
Ipinaliwanag din ng kalihim na karamihan sa mga business owners ay ayaw gumasta sa workplace safety measures dahil nakikita nilang karagdagang gastos na hiwalay sa operational expenses. Jocelyn Tabangcura-Domenden