MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na pinal na ang kanyang desisyon na magbitiw bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee.
“When I say it’s no, it’s no. When I say it’s yes, it’s yes… Final answer,” pahayag ni Lacson sa panayam.
Inanunsyo ni Lacson ang kanyang pagbibitiw noong Linggo dahil sa pagkadismaya umano ng ilang kasamahan sa paraan ng kanyang pamumuno sa imbestigasyon hinggil sa iregularidad sa mga proyektong flood control.
Natanggap ni Senate President Vicente Sotto III ang kanyang liham ng pagbibitiw nitong Lunes.
Ayon kay Sotto, kabilang sa mga posibleng pumalit kay Lacson bilang pinuno ng makapangyarihang komite sina JV Ejercito, Raffy Tulfo, Kiko Pangilinan, Pia Cayetano, at Risa Hontiveros. RNT