Home METRO MTPB balik na sa pag-clamp ng iligal na nakaparadang sasakyan

MTPB balik na sa pag-clamp ng iligal na nakaparadang sasakyan

321
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ang pag-clamping sa mga motorsiklong nakaparada sa mga ipinagbabawal na lugar sa isinagawang operasyon nitong Martes ng umaga.

Nabatid na sinimulan ng MTPB ang operasyon sa mga bangketa malapit sa isang ospital sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa MTPB, ang mga motorsiklong makikitang iligal na nakaparada sa mga tow-away zones at iba pang restricted areas sa buong lungsod ay ika-clamp at pagmumultahin ng ₱900.

Ang pagpapatupad na ito ay kasunod ng kamakailang pag-apruba sa mga amyenda sa City Ordinance No. 8998, kung saan nirebisa ang Section 2 at Section 4 ng Ordinance No. 8109.

Ang mga pagbabago ay ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Maynila noong Nobyembre 21, 2023.

Pinaalalahanan naman ng MTPB ang lahat ng may-ari ng motorsiklo na iparada lamang ang kanilang mga sasakyan sa mga itinalagang lugar upang maiwasan ang karampatang multa at parusa. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here