Home METRO Most wanted ng Cavite, nalambat sa Pasay

Most wanted ng Cavite, nalambat sa Pasay

340
0

MANILA, Philippines – Sa ikinasang Oplan Galugad at manhunt operation ng pinagsanib na pwersa ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at ng Trece Martires Component City Police Station, nadakip ang top most wanted person (MWP) sa provincial level nitong Martes ng hapon, Oktubre 7.

Kinilala ni Pasay City Police Chief P/Col. Joselito De Sesto ang naarestong suspek na si alyas Noel, 44, residente ng Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Batay sa ulat na natanggap ni De Sesto, naganap ang pag-aresto kay alyas Noel bandang alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng Tramo Street, Barangay 46, Pasay City.

Si alyas Noel ay nahaharap sa patong-patong na kaso sa ilalim ng Article 336 na may kaugnayan sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 (4 counts). Ipinag-utos ni Hon. Flordeliza Cabanlit Farga, Presiding Judge ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5, Trece Martires City, ang paglalagak ng piyansang ₱180,000 sa bawat kaso.

Mayroon din siyang kasong paglabag sa Section 10(A) ng RA 7610 at Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(B) ng parehong batas (4 counts) na may rekomendadong piyansang ₱440,000, ayon pa rin sa nasabing hukom.

Bukod dito, nahaharap din ang suspek sa anim (6) na bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Criminal Case Nos. 4190 hanggang 4195, na may tig-₱36,000 na piyansa sa bawat kaso, base sa utos ni Hon. Gonzalo Quitan Mapili Jr., Presiding Judge ng Fourth Judicial Region, Trece Martires City, Cavite.

Matapos ang pag-aresto, agad na iprinoseso ang mga dokumento para sa paglilipat ng kustodiya ng suspek sa Trece Martires City Police at sa pagbabalik ng warrant of arrest sa pinanggalingang korte. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here