Home NATIONWIDE Sinalanta ni ‘Paolo’ sa agrikultura higit P105M na — NDRRMC

Sinalanta ni ‘Paolo’ sa agrikultura higit P105M na — NDRRMC

288
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes na umabot na sa mahigit ₱105 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng tropical cyclone na si Paolo (international name: Matmo).

Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng NDRRMC na umabot sa ₱105,389,280 ang kabuuang pagkalugi sa agrikultura, lahat sa Cordillera Administrative Region (CAR), na nakaapekto sa 3,888 magsasaka at mangingisda.

Tinatayang nasa 4,017.73 ektarya ang kabuuang lawak ng mga apektadong taniman, kung saan 141.65 ektarya ang tuluyang nasira o wala nang pagkakataong makabawi, habang 3,876.04 ektarya naman ang bahagyang nasira.

Ayon pa sa ulat, tinatayang nasa 7,782.78 metriko tonelada ang kabuuang pagkawala sa produksyon ng agrikultura.

Samantala, tinatayang 95,163 pamilya o katumbas ng 315,281 katao ang naapektuhan sa Regions 1 (Ilocos Region), 2 (Cagayan Valley), CAR, Region 3 (Central Luzon), at Calabarzon.

Nasa 388 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 30 evacuation center, habang 1,921 pamilya pa ang pansamantalang nanunuluyan sa ibang lugar.

Batay sa NDRRMC, nag-landfall si Paolo sa Dinapigue, Isabela noong Oktubre 3 at umabot sa antas ng bagyo bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility kinabukasan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here