Home ENTERTAINMENT Coco, di apektado sa pagkalas ng manager!

Coco, di apektado sa pagkalas ng manager!

332
0

Manila, Philippines — Naghiwalay na nga ng landas si Coco Martin at ang kanyang manager na si Biboy Arboleda.

Hindi lang si Coco ang binitiwan ni Biboy sa kanyang kwadra kundi pati na rin ang iba pang artists na hina-handle niya.

Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng career ni Coco. Panay pa rin ang dating ng mga bagong endorsement para kay Coco.

Thanks to his other manager na si Shirley Kuan na nagha-handle ng mga endorsement ni Coco.

Gaya na lang nitong sa isang sikat na brand ng alak kung saan nag-kick off na ang annual Oktoberfest event nila na ginanap sa Okada Manila.

Habang ipinagdiriwang nga ang ika-135 taon ng paghahatid ng mahuhusay na beer sa buong mundo, ibinabalik nito ang fiesta vibe that made the event maging isang iconic na panoorin.

Mahigit 8,000 ang dumagsa para makisaya sa Okada Manila’s Crystal Pavilion sa two-day event na puno ng hanay ng mga espesyal na ginawang beer na ipinares sa top-notch food offerings over pulse-pounding music mula sa powerhouse lineup ng mga nangungunang local acts.

Nagsimula ang pagdiriwang with a toast sa pangunguna nina SMB President Carlos M. Berba, San Miguel Pale Pilsen Brand Ambassador Coco Martin, at Okada Manila Vice Chairperson Takako Okada.

The event kicked off a series of Oktoberfest events which will happen at the Paseo de Santa Rosa in Santa Rosa, Laguna on October 18, 2025, and at the Queensland Manor in Cebu City on October 31.

Umaapaw ang complimentary beer samplers na pinili mula sa pandaigdigang portfolio ng mga brews ng San Miguel Beer, as well as exciting new brews.

Pati na rin ang mga kapana-panabik na bagong brews kabilang ang India Pale Ale, Fruity Wheat Ale, Summer Ale, at Specialty Lager.

Nag-perform naman sa San Miguel Oktoberfest party ang country’s top acts including Rico Blanco, Lola Amour, December Avenue, Maki, Arthur Nery, Brownman Revival, The Dawn, Autotelic, The Juans, Over October, The Cohens, Paprika, DWATA, Carousel Casualties, It All Started in May, Magiliw Street, Sean Archer, Acapellago, DJ Chelsea, and DJ Rammy.

Pandagdag good vibes pa sa event ay nang nakipag-sabayan sa pag-shoot ng bola ang bagong PBA All-Filipino Cup champions, ang San Miguel Beermen, sa party-goers.

Billiards legends Efren “Bata” Reyes and Francisco “Django” Bustamante also played an exhibition match and challenged revelers who dared to showcase their pool table skills. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here