Home NATIONWIDE Marcos: Naselyuhang $200-M energy deals, magpapagaan sa PH oil imports

Marcos: Naselyuhang $200-M energy deals, magpapagaan sa PH oil imports

283
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang presentasyon ng mga bagong Petroleum Service Contracts para sa petroleum at hydrogen explorations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sakop ng mga ikakasang gas exploration ang mga lugar sa Sulu Sea, Cagayan, Cebu, Northwest at East Palawan, gayundin sa Central Luzon.

Tinatayang aabot sa $207 milyong dolyar ang kabuuang halaga ng puhunan para sa mga service contract na tatagal ng pitong taon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos Jr. na ginagawa lahat ng gobyerno para masiguro ang energy future ng Pilipinas at para hindi na rin pasanin ng ordinaryon Pilipino ang bigat ng epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Inamin din ng Pangulo na patuloy pa rin ang pagiging “heavily dependent” ng Pilipinas sa imported petroleum, kung saan 99.7 porsyento ng supply ng gas ay mula sa ibang bansa.

“That is why today’s presentation of eight service contracts is a deliberate step towards securing our energy future,” aniya pa.

Ayon pa sa Pangulo, sa pamamagitan ng mga bagong kontratang ito ay magkakaroon ng katiyakan sa sapat na suplay ng enerhiya sa bansa.

Kabilang din sa mga isasagawang aktibidad ang mga geological at geophysical surveys gaya ng seismic at aeromagnetic studies upang matukoy ang mga posibleng lugar para sa pagbabarena, na may potensyal ding matuklasan ang native hydrogen reservoirs at mga bagong petroleum fields. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here