Home NATIONWIDE 24 protestante, utas sa pagbomba ng junta paraglider sa Myanmar

24 protestante, utas sa pagbomba ng junta paraglider sa Myanmar

262
0
(c) AFP File

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 24 katao ang nasawi at 47 ang nasugatan nang magbagsak ng dalawang bomba ang isang motorized paraglider sa mga nagpoprotesta laban sa pamahalaang militar ng Myanmar sa Chaung U township, rehiyon ng Sagaing.

Nagkaroon ng pag-atake noong Lunes ng gabi habang mahigit 100 sibilyan ang nagtitipon upang gunitain ang isang pambansang pista at ipahayag ang pagtutol sa military junta. Ang Sagaing region ay isa sa mga pangunahing lugar ng labanan mula nang pabagsakin ng kudeta noong 2021 ang pamahalaan ni Aung San Suu Kyi.

Ayon sa isang opisyal ng People’s Defense Force (PDF), nakatanggap sila ng babala sa posibleng pag-atake mula sa himpapawid at sinubukan nilang tapusin ang pagtitipon, ngunit “mas maagang dumating ang mga paramotor. Nangyari ang lahat sa loob ng pitong minuto,” aniya.

Kinondena ng Amnesty International ang insidente at tinawag itong bahagi ng “nakababahalang trend” ng pag-atake sa mga sibilyan.

Ayon kay Joe Freeman, mananaliksik ng Amnesty sa Myanmar, ang insidente “ay dapat magsilbing malagim na paalala na kailangan ng agarang proteksyon ng mga sibilyan sa Myanmar,” sabay panawagan sa ASEAN na “dagdagan ang presyur sa junta at baguhin ang patakarang nabigo sa mga mamamayang Myanmar sa halos limang taon.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here