MANILA, Philippines – Isang maswerteng mananaya ang nagwagi ng ₱13.255 milyon sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules, Oktubre 8, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tama niyang nakuha ang kombinasyon ng 25-28-42-17-01-22, na nagpanalo sa kanya ng ₱13,255,888.20.
Noong Setyembre 29, isang mananaya rin ang nanalo ng ₱56.078 milyon sa parehong laro.
Samantala, walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 jackpot na ₱29.7 milyon na may kombinasyong 31-45-44-54-42-28. RNT