Home NATIONWIDE DOJ: Hernandez nag-“tell-all” na sa lahat ng nalalaman sa flood control mess

DOJ: Hernandez nag-“tell-all” na sa lahat ng nalalaman sa flood control mess

238
0

MANILA, Philippines – Muling humarap sa Department of Justice si dating 1st District Engineer Brice Hernandez para magsumite ng karagdagang sinumpaang salaysay kaugnay sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Matapos dumalo sa case build-up at evaluation para sa Witness Protection Program ng DOJ, agad na bumalik si Hernandez sa kustodiya ng Senado.

Sa ambush interview, sinabi ni Atty. Ernest Levanza, abogado ni Hernandez, na nag-“tell-all” na ang kanyang kliyente o ibinunyag na sa DOJ ang lahat ng nalalaman nito hinggil sa umano’y laganap na korapsyon sa proyekto.

Hindi naman tinukoy o binanggit ng abogado ni Hernandez kung may mga dinagdag pang pangalan na posibleng sangkot sa paglustay ng pondo ng bayan.

Aniya, nakikipagtulungan lamang sila sa imbestigasyon at nagsumite ng mga dokumentong makatutulong sa kaso.

Nauna nang sinabi ni Remulla na maisasama lang na state witness ang isinasangkot kung siya ay maglalahad ng lahat ng katotohanan at mahahalagang impormasyon sa isyu. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here