Home NATIONWIDE WHO: 1 sa 5 nasa tamang edad na indibidwal, nagyoyosi

WHO: 1 sa 5 nasa tamang edad na indibidwal, nagyoyosi

261
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng World Health Organization (WHO) na bagama’t bumaba nang malaki ang paggamit ng tabako sa nakalipas na 15 taon, isa pa rin sa bawat limang nasa tamang edad na indibidwal sa buong mundo ang patuloy na gumagamit nito.

Batay sa pinakabagong pagsusuri ng WHO sa mga trend sa paninigarilyo mula 2010 hanggang 2024, bumaba ang paggamit ng tabako mula 26.2% noong 2010 tungo sa 19.5% noong 2024—isang malaking pagbaba ngunit hindi pa sapat upang tuluyang wakasan ang tinawag nitong “global epidemic.”

“Millions of people are quitting or avoiding tobacco thanks to strong control measures by governments,” ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus. “But the tobacco industry is fighting back, pushing new nicotine products and targeting young people.”

Sa unang pagkakataon, isinama ng WHO ang datos sa global e-cigarette use, na tinatayang may higit 100 milyong gumagamit—kabilang ang 86 milyong adulto at 15 milyong kabataan edad 13 hanggang 15.

Lumabas sa ulat na siyam na beses na mas mataas ang paggamit ng e-cigarettes sa mga kabataan kaysa sa mga adulto, dahilan upang ipanawagan ang mahigpit na regulasyon laban sa pang-aakit ng industriya sa bagong henerasyon.

“E-cigarettes are fueling a new wave of nicotine addiction,” ayon kay Etienne Krug, direktor ng WHO para sa Social Determinants of Health.

Ang Southeast Asia ang may pinakamalaking pagbaba ng paninigarilyo, mula 70% ng kalalakihan noong 2000 tungong 37% noong 2024, habang nananatiling pinakamataas ang bilang ng mga naninigarilyo sa Europe.

“Nearly 20% of adults still use tobacco and nicotine products,” babala ni WHO Assistant Director-General Jeremy Farrar. “We cannot let up now.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here