Home METRO Drayber na bumundol sa student rider, papanagutin ng magulang ng biktima

Drayber na bumundol sa student rider, papanagutin ng magulang ng biktima

281
0

MANILA, Philippines – Magpapasaklolo ang magulang ng 15-anyos na rider matapos bundolin ng drayber ng kotse ang kanilang anak sa Teresa, Rizal noong Martes, ayon sa pamilya at pulisya.

Nagkasundo muna ang pamilya at ang drayber na siya ang sasagot sa gastusin sa pagpapagamot ng binatilyo at sa pagkukumpuni ng motorsiklo, ngunit nagpasya silang humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office matapos mapanood ang CCTV ng insidente.

“Hindi katanggap-tanggap yung ginawa. Kasi papatayin niya yung bata. Eh paano kung natuluyan?” anang ina ng bata. “Pasensyahan tayo, ikaw may kasalanan nito. Gagawin ko lang ang nararapat. Pagdusahan mo kung ano yung katarantaduhan na ginawa mo sa anak ko,” dagdag pa niya.

Ipinakita ng CCTV na hinabol ng drayber ang estudyanteng nakamotorsiklo bago ito bungguin.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Teresa Municipal Police Station, una umanong nasagi ng motorsiklo ang kotse pero hindi tumigil ang estudyanteng rider, na nauwi sa paghabol ng kotse.

Inihahanda ng pulisya ang kaso ng tangka sa pagpatay laban sa drayber, ayon sa ulat.

Inutos naman ng Department of Transportation ang habambuhay na pag-revoke ng lisensya ng suspek. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here