Home NATIONWIDE Malacañang kay Imee: ‘Wag maging spokesperson ng Dutertes

Malacañang kay Imee: ‘Wag maging spokesperson ng Dutertes

267
0

MANILA, Philippines – Kinastigo ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro si Senator Imee Marcos sa pagbatikos nito sa kamakailan lamang na pagkakatalaga kay outgoing Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman.

Ani Castro, si Imee, kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay hindi dapat umaasta at umaakto bilang tagapagsalita ng mga Duterte.

Ito’y matapos kuwestiyunin ng senadora ang naging hakbang ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos na italaga si Remulla bilang Ombudsman, sinasabing may plano umanong ipakulong si Vice President Sara Duterte.

“Bakit po ba natatakot si Senator Imee Marcos sa ganitong mga klase ng mga pag-iisip? Kung wala naman pong naging kasalanan ang mga Duterte, hindi po siya dapat maging spokesperson ng mga Duterte,” ayon kay Castro.

Sinabi ni Imee na matagal nang itinutulak si Remulla bilang Ombudsman para maipakulong si VP Sara.

Sa kasalukuyan, wala namang komento pa ang senadora sa bagay na ito. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here