Home NATIONWIDE Hirit na zero unprogrammed fund sa 2026 budget, kinontra ng Malakanyang

Hirit na zero unprogrammed fund sa 2026 budget, kinontra ng Malakanyang

287
0

MANILA, Philippines – Kontra ang Malakanyang sa hirit ng Akbayan Party-list na huwag pondohan ang unprogrammed appropriation sa susunod na taon.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi dapat alisin ang nasabing pondo, gayung maraming programa ang pamahalaan na nangangailangan nito.

Aniya, maraming puwedeng pag-ukulan ang unprogrammed appropriations, gaya na lamang sa panahon ng mga emergency cases.

Siniguro ni Castro na mababantayan din ang budget na nasa ilalim ng unprogrammed appropriations, dahil hindi aniya ito agad-agad makukuha kung walang sapat na dokumento.

Paniniguro ni Castro, mapupunta sa tama ang ₱250-bilyong unprogrammed appropriation na siya mismong ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim din ng conditional implementation. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here