Home NATIONWIDE Pharmally case, sisilipin ni Remulla

Pharmally case, sisilipin ni Remulla

256
0

MANILA, Philippines – Sisilipin ng bagong Ombudsman ang kaso ng kontrobersyal na  Pharmally.

Kasunod ito ng panawagan ni dating Senador Richard Gordon na balikan ng bagong Ombudsman ang naturang kaso.

Sa panayam kay Remulla, matapos siyang pormal na manumpa ngayong umaga sa Supreme Court, sinabi niya na tila nakalimutan na ang isyu sa Pharmally.

Ang Pharmally ay isang kumpanya na nakakuha ng bilyon-bilyong pisong kontrata mula sa DBM-Procurement Service para mag-supply ng medical supplies noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inimbestigahan din ito ng Senate Blue Ribbon Committee noong 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here