Home METRO Kuya utas sa suntok ng utol

Kuya utas sa suntok ng utol

280
0

CEBU CITY, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos suntukin ng kanyang kapatid makaraan tangkain umanong hatawin ng tubo ng una ang kanilang ina, iniulat kahapon sa Talisay City.

Kinilala ang biktimang si Julius, 42, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek at nakababata nitong kapatid na si Josephus, 37-anyos, kapwa residente ng Sityo Alegre, Barangay Bulacao, Talisay City.

Batay sa report ng Talisay City Police Station, bandang 2:30 PM noong Oktubre 7, 2025 naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing ang biktima sa kanilang bahay na bitbit ng tubo ay tinangkang hatawin ang kanilang ina.

Dito, sinubukan awatin ng suspek ang kanyang kuya subalit hindi ito ng nagpaawat dahilan para pag susuntukin nito sa ulo at batok.

Dahil dito, bumagsak ang biktima at nawalan ng malay sa pag-aakalang natutulog lamang ito sa kanilang upuan dahil sa kalasingan.

Makalipas ang isang oras, ginising ng ina ang biktima subalit hindi na ito humihinga.

Agad naman humingi ng tulong sa mga awtoridad ang ina ng magkapatid para dalhin sa ospital si Juluis pero idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Kusa naman sumuko sa pulis si Josephus at ngayon ay nahaharap sa kasong Homicide. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here