Home NATIONWIDE Quedan lumabas na ng PAR

Quedan lumabas na ng PAR

284
0

MANILA, Philippines – Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Nakri o Bagyong Quedan, ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Oktubre 10.

Lumabas ang bagyong Quedan alas-2 ng madaling araw.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,355 kilometro hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong North northwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Makakaapekto naman ang trough ng LPA sa Southern Luzon at ang Southwesterly Windlow ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Visayas at Mindanao.

Mararanasan din ang kaparehong panahon sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

Hindi naman inaasahang mabubuo bilang isang bagyo sa susunod na 24 na oras ang LPA na minomonitor sa labas ng PAR. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here