Home NATIONWIDE Konsehal ng Maynila inakusahan ng kapwa-konsehal ng sexual harassment

Konsehal ng Maynila inakusahan ng kapwa-konsehal ng sexual harassment

344
0

MANILA, Philippines – Maluha-luhang ibinahagi ni Manila Councilor Eunice Castro sa sesyon ng konseho na siya ay paulit-ulit na hinarass ng kapwa nito konsehal.

Sa ulat, kinompronta ni Castro si councilor Ryan Ponce.

“Shame on you for treating us women like objects! Wala naman akong pinakitang hindi maganda sa iyo, bakit mo ako binabastos?”

Idinetalye ni Castro ang mga pangyayari sa umano’y harassment.

“Gusto lang naman kitang batiin na ang galing mong magsalita. Sumenyales ako sayo ng high five, binaba ko, anong ginawa mo, dinutdot mo na naman ang kamay ko,” salaysay pa ng konsehal.

Ibinahagi rin niya ang mensaheng ipinadala sa kanya ni Ponce na kalaunan ay napag-alaman niyang isang “massage that focuses on the female genitalia.”

May mga pagkakataon din umano na nagkokomento si Ponce patungkol sa kanyang kasuotan.

“Marami ka ring binurang random message sa akin, katulad ng naka ‘see through ka kanina’, ‘good morning sexy’, ‘inaabangan ko ang suot mo kanina,’ ‘patingin muna ng good morning face mo at pantulog mo para good morning talaga,’” pagbabahagi ni Castro sa sesyon.

Dahil dito ay nanawagan siya sa lahat ng kababaihan na magsalita tungkol sa harassment.

“…Hindi niyo kailangang magpanggap para tratuhin kayo nang tama at hindi kayo nag-iisa. Hinihikayat ko kayong lahat, huwag mangamba, huwag magsarili, huwag mag-isa, huwag magkulong, Huwag matakot wala kayo. wala kayo, wala tayong dapat ikahiya, dapat rito sa taong abusado sa atin, tinatayuan, tinatawag, nilalabanan sa tamang paraan.”

Nagpahayag naman ng suporta si Manila Vice Mayor Chi Atienza kay Castro at kinumpirma na ang isyu ay nakarating na sa Committee on Ethics for investigation.

“I stand with Councilor Eunice Castro and believe that what she has said during her privilege speech in our regular session today is admirable, as she has fought to have all the abused women’s voices heard. In our society where women are bound to endure their pain in silence, finally, there is a woman who stands for them,” sinabi ni Atienza.

Humingi naman ng tawad si Ponce kay Castro at sinabing hindi niya sinasadya ang mga pangyayaring ito.

“Ako po ay tumayo rito hindi po para ipagtanggol ang aking sarili. Ako po ay tumayo rito para buong pusong, buong kababaang loob na humingi ng paumanhin sa aking nagawa, sa aking nasabi.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here