Home NATIONWIDE Taiwan nag-donate ng $200,000 sa Cebu quake victims

Taiwan nag-donate ng $200,000 sa Cebu quake victims

336
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipinas na magbibigay ito ng $200,000 humanitarian donation para sa mga biktima ng lindol sa Cebu.

Ang tulong ay ipapadala sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at susundan ng mga karagdagang relief materials, ayon kay TECO Representative Wallace Minn-Gan Chow.

“The Taiwan government will donate US$200,000 first through MECO to the Cebu provincial government and followed by some relief materials later,” sinabi ni Chow sa National Day celebration ng TECO sa Maynila.

Ipinagdiriwang ng Taiwan ang National Day nito tuwing Oktubre 10 o ang pag-aalsa noong Oktubre 10, 1911 na nagpasimula sa Xinhai Revolution na kalaunan ay lumikha sa Republic of China.

Ginamit din ng Taiwan ang okasyon na ito upang ipahayag ang pangamba nito sa inilarawang tumataas na “gray zone tactics” ng China, isang non-military form ng panggigipit at layong magbigay ng pressure sa ibang mga bansa.

“Our big neighbor, China’s aggressive maneuvers towards the Taiwan Strait, the South China Sea, and the West Philippine Sea have increased exponentially over recent years,” ani Chow.

Kabilang aniya sa mga taktikang ito ay ang online disinformation, distortion of historical facts, election interference, at economic coercion, na ayon sa Taiwan ay isang banta sa democratic societies, kabilang ang Pilipinas.

“The authoritarian regime of the Chinese Communist Party is using gray zone tactics… to influence and infiltrate democratic countries, including those in Taiwan and the Philippines,” dagdag ni Chow.

Patuloy ang paninindigan ng China sa pag-aari nito sa South China Sea, kabilang ang mga lugar na pasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas kahit pa kinatigan ang ating bansa sa 2016 Arbitral ruling sa The Hague na kumikilala sa sovereign rights ng Pilipinas sa EEZ.

May kahalintulad ding suliranin ang Taiwan sa mainland China at iginigiit ng una ang pagiging sovereign state nito sa sariling pamahalaan, military at konstitusyon.

“In its attempt to erase the objective reality that the Republic of China, Taiwan, is a sovereign country… China seeks to terminate Taiwan’s pursuit of its legitimate right to participate in the UN system,” ayon kay Chow.

Wala pang tugon ang Chinese Embassy sa Maynila kaugnay sa pahayag ng TECO. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here