Home NATIONWIDE 20 Chinese national dinakip sa Agusan sa online gambling at POGO scam

20 Chinese national dinakip sa Agusan sa online gambling at POGO scam

230
0

BUTUAN CITY -DINAKIP ng mga awtoridad ang 20 Chinese national sa isinagawang operasyon na may kinalaman sa online gambling, scamming, human trafficking, ilegal na detensyon, computer-related perjury, social engineering schemes, economic sabotage, at cybercrime, iniulat kahapon, Oktubre 9 sa lungsod na ito.

Ayon kay NBI District Head Samuel Balisi, isinagawa ang operasyon noong Oktubre 3, 2025 sa Barangay del Monte, Talacogon, Agusan del Sur.

Sinabi ni Balisi, nakatanggap sila ng report hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na isang bahay sa nasabing lugar.

Sa pagsalakay ng mga awtoridad, naabutan nila ang 20 Chinese national at kinumpiska ang mga kompyuter, cellphone, at iba pang kagamitan na ginagamit sa online scam at sugal.

Habang dalawang Chinese national naman ang nailigtas na nagsasabing ibang trabaho ang ipinangako sa kanila bago sila pinapunta sa nasabing lugar.

Anila, hindi na sila nakaalis sa lugar dahil kinuha ang kanilang passport at pinagbabayad ng halagang P100,000 hanggang P200,000 bago sila umalis ng bansa.

Nasa kustodiya ngayon ng Agusan del Sur Provincial Jail ang mga dinakip na suspek habang isinasailalim naman sa forensic examination ang mga nakumpiskang digital evidence para matukoy kung gaano kalawak ang kanilang operasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here