MANILA, Philippines – Binatikos ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang umano’y planadong propaganda at pagpapakalat ng fake news na layong siraan siya at ang liderato ng Senado.
Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, sinabi ni Sotto na mali ang mga ulat na iniuugnay sa kanya sa mga bagong panukalang buwis.
“In my 24 years in the Senate, I have never proposed any additional tax measures. In fact, I have consistently voted against them,” aniya. “So to the peddlers of fake news, I’ll just pray for you.”
Hinimok din niya ang publiko na huwag basta maniwala sa maling impormasyon, “lalo na kung masama ang balita.”
Pagkatapos ng sesyon, sinabi ni Sotto na simula pa noong Setyembre 8 ay paulit-ulit na lumalabas tuwing Huwebes hanggang Sabado ang mga fake news laban sa kanya, kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, at kay Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
“Then on Monday, there’s supposedly a coup—every weekend. So, is this staged?” ani Sotto, sabay sabing sisikapin nilang alamin kung sino ang nasa likod ng mga paninira. RNT