MANILA, Philippines – Itinanggi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kumakalat sa social media na siya umano ang nagpanukala ng karagdagang 50% buwis sa mga content creator, at tinawag itong “fake news.”
“In my 24 years in the Senate, I have never proposed any additional tax measures. In fact, I have consistently voted against them,” pahayag ni Sotto sa plenary session.
“For the peddlers of fake news, ipagdadasal ko na lang kayo. Sa ating mga kababayan, huwag kayo basta maniniwala, lalo na ‘pag masama ang balita,” dagdag niya.
Ayon kay Sotto, bahagi ito ng “propaganda” laban sa kanya at sa liderato ng Senado. “I think there is a concerted effort by some quarters… Siguro, walang makita sa amin, eh ‘di gumawa na lang ng imbento,” aniya. RNT