MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek kasabay ng pagkakakumpiska ng P163.2 milyon ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Candelaria, Quezon nitong Biyernes, Oktubre 10.
Ang buy-bust operation ay isinagawa sa Purok 2 sa Barangay Masin Norte ng mga operatiba mula sa PDEA Regional Office–National Capital Region kasama ang PDEA Regional Office 4A, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Candelaria Police Station.
Tumitimbang ang mga nakumpiskang shabu ng nasa 25 kilo. Ang mga ito ay inilagay sa vacuum-sealed plastic packs.







