Home NATIONWIDE Halos 800 aftershock naitala sa Davao quake

Halos 800 aftershock naitala sa Davao quake

298
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa halos 800 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang malalakas na lindol na yumanig sa karagatan ng Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10.

Ayon sa ulat ng PHIVOLCS nitong Sabado ng umaga, 792 aftershocks na ang kabuuang bilang hanggang alas-7 ng umaga, kung saan 331 ang na-plot at 13 ang naramdaman, may lakas na mula magnitude 1.2 hanggang 5.8.

Nauna nang tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa layong 43 kilometro silangan ng Manay, Davao Oriental bandang alas-9:43 ng umaga nitong Biyernes.

Pagsapit naman ng alas-7:12 ng gabi, muling niyanig ang lugar ng magnitude 6.8 na lindol, ayon sa PHIVOLCS.

Paliwanag ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, ang ikalawang lindol ay hindi aftershock kundi bahagi ng tinatawag na “doublet” o dalawang magkasunod na lindol na halos sabay na naganap malapit sa isa’t isa.

“‘Doublet earthquake’ means two closely timed quakes happening nearby. They happen in the same area but have different epicenters and strengths,” paliwanag ni Bacolcol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here