MANILA, Philippines – Nagsuspinde ng trabaho ang lahat ng korte sa Davao region bunsod na rin ng 7.4 magnitude na lindol, ayon sa Kore Suprema.
Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na ito ang ulat o datos na ipinarating mula sa Office of the Regional Court Management sa naturang region.
Ayon kay Atty. Ting, umabot sa total na 138 courts sa buong Davao Oriental ang pansamantalang suspendido muna ang operasyon, kabilang na ang:
* Davao de Oro
* Davao del Norte
* Davao del Sur
* Davao Occidental
* Davao Oriental
* Sarangani
* South Cotabato
* Surigao del Sur
Sinabi ng Korte Suprema na binigyang kapangyarihan ang mga Presiding Judges sa mga apektadong lugar para magsuspinde ng trabaho, para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga court personnel at iba.
Hindi naman tinukoy kung kailan magbabalik sa normal ang operasyon sa trabaho sa naturang mga hukuman. Jocelyn Tabangcura-Domenden