Home HOME BANNER STORY 7 na patay sa lindol sa Davao – NDRRMC

7 na patay sa lindol sa Davao – NDRRMC

350
0

MANILA, Philippines – PITONG katao ang napaulat na nasawi matapos ang malakas na lindol na tumama sa Davao Oriental, araw ng Biyernes, Oktubre 10.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang lahat ng nasawi ay iniulat sa Region 11 at nananatiling bina-validate.

Ayon sa Davao Oriental Provincial Government, dalawa ang nasawi sa City of Mati, habang isa naman ang nasawi sa munisipalidad ng Tarragona.

Samantala, may 11 were reported injured in Region 11 which will be validated as well, the NDRRMC said.

“No one was reported missing,” ayon sa NDRRMC.

May kabuuang 1,265 indibiduwal o 331 pamilya ang maagang inilikas sa Region 11.

Samantala, may 8,436 indibiduwal o 3,519 pamilya naman ang apektado sa dalawang rehiyon, dalawang lalawigan, apat na lungsod at munisipalidad at 9 na barangay. Sa nasabing bilang, may 7,915 katao o 2,468 pamilya ang nanunuluyan ngayon sa loob ng evacuation centers.

Sa ngayon, may 33 bahay ang napaulat na napinsala o deteryorado, lima naman ang totally damaged sa Region 11 at CARAGA.

May pitong road sections at tatlong bridge sections ang napaulat na apektado, ayon sa tally ng NDRRMC.

Mayroon namang limang kalsada at isang tulay ang nananatiling hindi pa madaanan.

May kabuuang pitong seaports ang apektado, may 47 pasahero ang napaulat na stranded.

Limang lungsod at musipalidad ang nawalan ng suplay ng kuryente, subalit may apat naman ang kagaad na naibalik ang suplay nito.

Samantala, may 12 lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ang communication lines, pero 100% ang naibalik, araw ng Sabado.

“A magnitude 7.4 earthquake rocked Manay, Davao Oriental on Friday morning,” ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

“On Friday evening, at 7:12 p.m., another earthquake with magnitude 6.8 struck off the shore of Manay, Davao Oriental,” ang sinabi pa rin ng PHIVOLCS.

Ayon sa PHIVOLCS ang second earthquake ay hindi aftershock kundi kalahati ng doublet.

Halos 800 aftershocks ang naitala “as of 7 a.m. Saturday.”

Samantala, nagdeklara naman ang Municipality of Manay sa Davao Oriental ng state of calamity kasunod ng dalawang lindol na tumama sa nasabing bayan.

Ilang lugar sa Davao Region provinces ang suspendido ang klase at pasok sa trabaho, araw ng Sabado, Oktubre 11, 2025, kasunod ng malakas na lindol. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here