Home NATIONWIDE Pag-aaral: COVID nagdudulot ng pagbabago sa semilya ng daga, posibleng magdulot ng...

Pag-aaral: COVID nagdudulot ng pagbabago sa semilya ng daga, posibleng magdulot ng ‘anxiety’ sa supling

299
0

Natuklasan ng mga siyentipiko sa Australia na ang COVID-19 infection ay maaaring magdulot ng pagbabago sa semilya ng mga lalaking daga, na nagreresulta sa mga supling na mas madaling makaranas ng pagkabalisa — palatandaan ng posibleng pangmatagalang epekto ng virus sa susunod na henerasyon.

Sa pag-aaral ng Florey Institute of Neuroscience and Mental Health sa Melbourne, pinapahawa ang mga lalaking daga sa COVID virus at ipinaglihi sa malulusog na inahing daga. “We found that the resulting offspring showed more anxious behaviors compared to offspring from uninfected fathers,” ayon kay Elizabeth Kleeman, pangunahing may-akda ng pag-aaral.

Ayon sa Nature Communications, napag-alamang nagkaroon ng pagbabago sa mga gene sa hippocampus — bahagi ng utak na kumokontrol sa emosyon — lalo na sa mga babaeng supling.

“These findings suggest that the COVID-19 pandemic could have long-lasting effects on future generations,” sabi ni Anthony Hannan, isa sa mga senior researcher, na nagbabala ring kailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang makita kung mangyayari rin ito sa tao.

Batay sa World Health Organization, mahigit pitong milyong katao na ang nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo, bagaman mas mataas pa umano ang tunay na bilang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here