Home NATIONWIDE VP Sara bukas sa pagsisiyasat ni Ombudsman Remulla sa kanyang SALN

VP Sara bukas sa pagsisiyasat ni Ombudsman Remulla sa kanyang SALN

335
0

MANILA, Philippines – Bukas si Vice President Sara Duterte sa planong pagsusuri ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

“Huwag na niya silipin. Ilagay na niya sa harap niya at pag-aralan na niya ng maayos kung ano man ‘yung gusto niyang gawin. Ipagpasa-Diyos na lang natin siya at ang kanyang mga gagawin bilang Ombudsman,” pahayag ni Duterte sa panayam habang bumibisita sa mga biktima ng lindol sa Mati City, Davao Oriental.

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Remulla na muling bubuksan sa publiko ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno, kabilang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Duterte.

Aminado si Duterte na kung siya ang presidente, si Remulla ay “hindi niya ia-appoint” bilang Ombudsman.

Una nang sinabi ni Remulla na kanyang rerepasuhin ang reklamong may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng ₱612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) mula 2022 hanggang 2024.

Ayon kay Remulla, “Bubuklatin natin. Pag-aaralan at tatanungin natin ‘yung mga may hawak na ngayon.” Nauna nang naghain si Duterte ng kanyang counter-affidavit upang sagutin ang mga paratang.

Samantala, sinabi ni Senadora Imee Marcos na itinalaga umano si Remulla bilang Ombudsman upang ipakulong si Duterte bago ang halalan sa 2028 — bagay na itinanggi ni Pangulong Marcos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here