Home NATIONWIDE Walang Pilipinong ipina-deport sa Eswatini — embahada

Walang Pilipinong ipina-deport sa Eswatini — embahada

244
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. na walang Pilipinong kabilang sa sampung dayuhang ipina-deport ng Estados Unidos patungong Eswatini.

“Matapos ang beripikasyon sa US Immigration and Customs Enforcement, nakumpirma ng Embahada na walang Pilipinong sangkot sa anumang third-country deportation mula sa Estados Unidos,” ayon sa pahayag.

Nilinaw ng embahada na may isang indibidwal na hindi napatunayan ang pagiging Pilipino kaya hindi ito maaaring ipauwi sa bansa.

Una nang napaulat na may isang Pilipino sa grupong ipina-deport sa Eswatini, ngunit itinanggi ito ng embahada. Patuloy umano silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng US upang matiyak ang kapakanan ng mga Pilipinong may kaso ng deportation. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here