MANILA, Philippines – Posibleng dulot ng paggalaw sa Manila Trench ang magnitude 5.1 na lindol na tumama sa Zambales nitong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Paliwanag ng ahensya, walang kaugnayan ang lindol sa Zambales sa mga kamakailang lindol sa Cebu, La Union, at Davao dahil magkaiba ang pinagmulan ng mga ito—ang Bogo Bay Fault, Philippine Fault, at Philippine Trench.
Naitala ang lindol alas-5:32 ng hapon, 19 kilometro hilagang-silangan ng Cabangan, Zambales, sa lalim na 100 kilometro. Naramdaman ito bilang Instrumental Intensity III sa Cabangan at Iba, at mas mahina sa Bulacan, Pangasinan, Tarlac, at La Union.
Walang inaasahang pinsala, ngunit posible ang mga aftershock, ayon sa Phivolcs. Santi Celario