Home ENTERTAINMENT Nadia, binalikan ang mga nanira sa senado!

Nadia, binalikan ang mga nanira sa senado!

279
0

Manila, Philippines – Para sa mga taga-pelikula lalo na sa mga showbis media ay isang malaking kawalan ang aktres na si Nadia Montenegro sa opis ni Senator Robin Padilla.

Ang semi retired aktres kasi ang nilalapitan ng mga taga-showbiz pagdating sa mga kailangang tulong ng mga ito sa tanggapan ni Sen. Padilla.

Ang pinamimigay na ayuda sa mga movie workers nung pandemya kasama na yung mga guaranteed letters para sa mga nagkakasakit at namatayang kaibigan o kamag-anak ay napapadali dahil sa assistance ni Nadia.

Kaya nang nag-resign si Nadia bilang staff ni Robin ay marami ang nalungkot, huh!

Kung matatandaan, boluntaryong nagsumite si Nadia ng resignation letter bilang staff ng nabanggit na senador may ilang buwan na ang nakaraan after makaladkad ang pangalan niya sa isyu ng marijuana sa loob mismo ng CR ng senado, huh!

Ngayon naman ay biglang lumutang si Nadia para pormal na magsampa ng kaso laban sa mga taong sumira raw sa pangalan niya, huh!

Dahil daw sa pangyayaring yun ay dumaan daw si Nadia sa trauma therapy.

Banggit pa ni Nadia sa interview sa kanya ay

halos tatlong buwan ang therapy na ginawa sa kanya para malagpasan ang trauma na pinagdaanan niya dahil sa pangyayaring yun, huh!

Empleyado raw ng senado ang nag-akusa kay Nadia na diumano ay gumamit siya ng marijuana sa comfort room ng Senado, huh!

Kaya naman binalikan niya ang nagsabi at pormal na naghain ng kanyang complaint affidavit sa Pasay Prosecutor’s Office, at idinetalye niya ang mga pangyayari, huh!

May nagsabi raw na may naiinggit sa kanya kaya nagsumbong ang staff ng isa pang senador na gumamit daw siya ng marijuana sa loob ng comfort room ng Senado.

Nakasaad din sa affidavit na ipinakita raw ni Nadia ang bag niya, at walang nakitang marijuana kundi ang vape na ginagamit niya.

Kahit may ebidensiya raw na hindi siya humithit ng marijuana, nag-isyu pa rin daw ng incident report ang staff ng isang senador.

At ang malala pa ay isinapubliko pa raw ito ng staff, huh!

Ang isa pa raw sa ikinalungkot ni Nadia ay nadamay pati ang mga anak niya na na-bully at inakusahang “anak ng drug addict.” Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here