Home OPINION ₱6.5B PONDO NG BARMM SAAN NAPUNTA?

₱6.5B PONDO NG BARMM SAAN NAPUNTA?

567
0

INATASAN ng House of Representatives ang Commission on Audit upang imbestigahan ang P6.5 bilyong pondo ng Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao kalakip ang tanong: Ginamit ba ito para sa eleksyon?

Sinasabing sa ilalim ng pamumuno ni dating Chief Minister Ahod Ebrahim, presidente ng United Bangsamoro Justice Party, umagos ang P1.5 bilyon buwan-buwan sa mga proyektong “hiningi raw” ng mga Local Government Unit. Subalit ayon naman sa mga opisyal ng LGUs, wala silang hinihinging proyekto kay Ebrahim.

Saan nga napunta ang pera? Sa eleksyon o baka naman sa kickback?

Nakababahala ang timing ng disbursement ng P1.5 bilyon bawat buwan. Apat na buwan bago ang itinakdang 2025 parliamentary polls, P6.4 bilyon ang napunta sa mga UBJP-aligned na barangay. Sa committee report, ito raw ay “systematic scheme” para pagtakpan ang malbersasyon. Samantalang ang mga oposisyong LGU, ay walang natanggap kahit singko. Sa madaling salita, kapag hindi kaalyado, “zero” sa pondo.

May mga testigo na nagsabing tinanggap nila ang P5 milyon subalit ibinalik din dahil sa dikta ng konsensya habang ang iba naman ay ibinalik ang P3 milyon sa pamamagitan ng ‘return to sender’ sa takot namang ma-red tag sila.

Maitututing na mabigat ang hamon ng Kamara sa COA sapagkat ang hiling nito ay hindi ordinaryong audit subalit ang kailangan ay forensic audit na naglalayong masubaybayan ang lagayan gamit ang pondo ng bayan.

Bukod sa paggamit ng forensic audit, kailangang suriin at sagutin ng COA kung may kickback nga ba sa tanggapang pinamunuan ni Ebrahim. Teka lang, ‘di dapat malaman din kung napondohan ba ang mga proyektong inihain? Kung public consultation ba?

Ang isa pang katanungan, ang pondo ba para sa BARMM ay biyaya o kasinungalingan?

Ang BARMM ay ipinaglaban para sa tunay na pagbabago. Ngunit kung ang P6.5 bilyon ay napunta lamang sa bulsa ng iilan, mas mabuting manatili sa ilalim ng pambansang pagsisiyasat.

Ang pondo ay para sa mga paaralan at tulay, hindi sa mga ghost projects. Sa huli, ang katotohanan ang magpapalaya sa BARMM—o magpapatunay na ang awtonomiya ay isang malaking anomalya.

Kapag napatunayan o lumabas sa imbestigasyon ng COA na may anomalya sa pondo, makabubuting magharakiri ang mga sangkot sapagkat kahihiya ang kanilang lahi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here