Home NATIONWIDE Protocol plates, wang-wang ibinawal na ng DOTr

Protocol plates, wang-wang ibinawal na ng DOTr

270
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang pagpapawalang-bisa ng lahat ng protocol o low-numbered license plates na ibinigay sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at mga attached agency nito, kasunod ng insidente sa kalsada na kinasangkutan ng sasakyan ni Undersecretary Ricky Alfonso na may plakang nakalaan sa mga opisyal ng hudikatura.

Sa memorandum na may petsang Oktubre 13, sinabi ni Lopez na layon ng hakbang na itigil ang “indiscriminate and unwarranted use” ng mga espesyal na plaka na ginagamit umano upang makaiwas sa traffic violations.

Inatasan din ni Lopez ang Land Transportation Office (LTO) na mangasiwa sa pagsuko ng lahat ng protocol plates at repasuhin ang Joint Administrative Order (JAO) No. 2024-001, na nagtatakda ng mga patakaran sa paggamit nito.

Kasabay nito, ipinagbawal din ni Lopez ang paggamit ng sirena, blinker, at iba pang “wang-wang” ng mga opisyal ng DOTr, alinsunod sa Administrative Order No. 18, na naglilimita ng paggamit nito sa mga emergency vehicle tulad ng pulis, bumbero, at ambulansya.

Ayon kay Lopez, bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan para sa disiplina, pagkakapantay-pantay, at pananagutan ng mga lingkod-bayan, at upang tuluyang tapusin ang “culture of entitlement” sa kalsada. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here