Home METRO Negosyante, binaril ng magkapatid na holdaper sa QC

Negosyante, binaril ng magkapatid na holdaper sa QC

367
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang negosyante matapos barilin ng dalawang magkapatid na holdaper sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay Katipunan, Quezon City noong Oktubre 8.

Sa CCTV footage, makikita ang pagbabanta ng mga suspek bago barilin sa hita ang biktima at tangayin ang mga gintong alahas na nagkakahalaga ng ₱60,000.

Ayon kay Police Major Harry Basilla ng Masambong Police, binaril ang negosyante matapos itong tumangging ibigay ang alahas.

Sa follow-up operation, natunton ng mga pulis ang tirahan ng mga suspek sa isang apartment sa Montalban, Rizal, ngunit nakapuga ang magkapatid matapos harangin ng kinakasama ng isa sa kanila, na ngayon ay inaaresto at kakasuhan.

Narekober sa lugar ang dalawang improvised na baril at ilang pampasabog.

Ayon sa imbestigasyon, dati nang may kaso sa ilegal na droga ang isa sa mga suspek, habang ang isa ay may 14 na kaso ng robbery at carnapping.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga tumakas na suspek. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here