Home NATIONWIDE 60-araw na price freeze ipinatupad sa Davao Oriental 

60-araw na price freeze ipinatupad sa Davao Oriental 

289
0

MANILA, Philippines – Ipinatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 60-araw na price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Davao Oriental matapos ideklara ang state of calamity bunsod ng magkasunod na lindol noong Oktubre 10.

Epektibo ang price freeze mula Oktubre 13 hanggang Disyembre 12, 2025, alinsunod sa Price Act, ayon sa DTI.

Sakop nito ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, mais, karne, isda, gulay, de-lata, instant noodles, gatas, at sabon.

“Layunin ng hakbang na ito na mapanatiling matatag at abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin habang nasa yugto ng rehabilitasyon,” pahayag ng DTI.

Samantala, nagpatupad din ang Department of Energy (DOE) ng 15-araw na price freeze sa household LPG (11 kilo at pababa) at kerosene simula nang ideklara ang state of calamity sa probinsya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here