Manila, Philippines — The buzz is all over town: lilipat daw sa ABS-CBN si Sanya Lopez.
Ang dahilan — may magandang offer umano sa kanya at si Sanya, ayon sa mga tsismosa’t tsismoso, ay hindi raw magpapalagpas ng ganitong oportunidad.
Ganoon?
Parang lumalabas na “inggarata” naman si Sanya gayong hindi naman siya dehado sa GMA.
She never runs out of TV assignments, at kapag wala naman ay may mga film offers pa sa kanya.
Katulad na lang ng KMJS Gabi ng Lagim opposite Elijah Canlas, na malapit nang ipalabas.
At kung sakaling may “lipatan” mang maganap, posibleng ito ay isang collab project ng GMA at ABS-CBN.
Hindi tuloy nakaligtas si Sanya sa paratang na wala raw siyang originality.
Gaya-gaya daw siya kay Andrea Brillantes, na kalat din ang balitang tatawid sa GMA.
Sey pa ng isang mahaderang netizen:
“Sanya had better tell the truth kung lilipat siya ng istasyon o hindi… baka matulad din siya kay Pinocchio na humahaba ang ilong pag nagsisinungaling!”