MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagbuga ng abo mula sa Kanlaon Volcano sa Negros Island nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang ash emission mula 6:54 a.m. hanggang 7:40 a.m., na naglabas ng kulay-abong usok na umabot sa 100 metro taas mula sa bunganga ng bulkan bago tangayin patimog-kanluran, batay sa ulat ng Kanlaon Volcano Observatory sa Canlaon City.
Nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, hudyat ng pagtaas ng aktibidad.
Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibilidad ng biglaang steam-driven o phreatic eruptions at muling ipinagbawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan. RNT