Home NATIONWIDE 1,364 aftershocks naitala matapos ang DavOr quake — PHIVOLCS

1,364 aftershocks naitala matapos ang DavOr quake — PHIVOLCS

261
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1,364 ang bilang ng mga aftershock hanggang Miyerkules ng umaga matapos ang magkasunod na lindol na magnitude 7.4 at 6.8 sa karagatang sakop ng Manay, Davao Oriental noong Oktubre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

“Nakapagtala na po tayo as of 4 a.m. kanina ng 1,364 aftershocks,” sinabi ni PHIVOLCS chief Dr. Teresito Bacolcol sa panayam ng Dobol B TV, at idinagdag na 19 sa mga ito ay naramdaman, may lakas mula magnitude 1.2 hanggang 5.8.

Nagpaalala si Bacolcol sa mga residente na ipa-inspeksyon muna ang kanilang mga bahay bago bumalik. “Kung may nakikitang pinsala sa istruktura, huwag muna silang pumasok,” aniya.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense, siyam na ang nasawi at 2,575 bahay ang nasira — 2,231 ang partially at 344 ang totally damaged. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here