Home NATIONWIDE P20M puslit na yosi, nasamsam sa NegOr

P20M puslit na yosi, nasamsam sa NegOr

183
0

BACOLOD — Umabot sa ₱20 milyon halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga awtoridad matapos maharang ang isang sasakyan sa Negros Oriental nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) for Negros Island, isinagawa ang operasyon kasama ang City Highway Patrol Team (CHPT)–Bacolod at Special Operations Team (SOT)–Negros Oriental matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa kahina-hinalang aktibidad sa lugar.

Napansin umano ng mga operatiba ang ilang lalaki na nagkakarga ng malalaking kahon sa isang van.
Ngunit nang mapansin ng mga ito ang presensya ng mga pulis, agad silang tumakas at iniwan ang sasakyan at kontrabando.

“Walang nahuling suspek dahil medyo huli nang dumating ang highway patrol, pero nakuha naman natin ang sasakyan at natukoy na ang may-ari ng 10-wheeler truck,” pahayag ni Police Colonel Hansel Marantan, Acting Director ng PNP–Highway Patrol Group.

Nasamsam sa operasyon ang maraming master cases ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng ₱20 milyon.
Ang mga nakumpiskang produkto at sasakyan ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8424 at Republic Act 12022 (Anti-Agricultural Economic Sabotage Act) ang mga suspek.

Binalaan naman ni Marantan ang publiko na krimen ang pagdadala, pagbebenta, o pagmamay-ari ng mga untaxed o smuggled cigarettes.

“Ang smuggling ay hindi lang pagnanakaw sa gobyerno — ito ay pinagmumulan ng pondo ng mga sindikato, at habulin natin ang mga kumikita rito,” mariing pahayag ni Marantan.
(Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here