Home ENTERTAINMENT Ellen, kinilig kay F4 member Kim Bum!

Ellen, kinilig kay F4 member Kim Bum!

334
0

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Derek Ramsay ang mga kumakalat na isyung hiwalay na sila ng kanyang asawang si Ellen Adarna.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, diretsahan niyang sinagot ang isang blind item na nagsasabing naghiwalay na raw sila.

“I’ll just keep it very simple. There’s no truth to anything that was said. That’s it guys, that’s all I have,” ani ni Derek.

Matagal na ring usap-usapan ang umano’y paghihiwalay ng mag-asawa dahil sa mga post nila sa social media na tila hiwalay ang tirahan.
Ito ay taliwas sa mga dating sweet at masasayang posts nila kasama ang kanilang anak.

Samantala, habang tahimik si Derek, tila in good spirits naman si Ellen — lalo na nang mapansin siya ng F4 member na si Kim Bum!

Isang video kasi ang in-upload ni Ellen kung saan siya ay sumasayaw at nagli-lip sync sa hit song ng Meteor Garden na “Jue Bu Neng Shi Qu Ni (Can’t Lose You)”.
At nang magkomento si Kim Bum ng ilang emoji sa post, ayun — super tili at hiyaw daw ang naging reaksyon ni Ellen habang nasa sasakyan kasama ang mga kaibigan!

Game din siyang nagbiro sa aktor, sabay sabing bumisita ito sa Pilipinas, at nag-congratulate pa dahil may asawa na si Kim.

Pero balik tayo sa main issue — hiwalay na nga ba talaga sina Derek at Ellen o gimik lang ito para gumawa ng ingay?

Hanggang hindi sila nagsasalita nang sabay, mananatiling palaisipan ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

At teka — may isa pang dapat sagutin si Derek: ang isyung nabulsa raw siya ng malaking halaga ng isang kaibigan.
Abangan ang susunod na kabanata, huh!

Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here